Monday, 3 October 2016

Love Letters?


today, as i was going through my previous writings, i came across this reflection that i shared via a catholic community newsletter in the philippines many years ago (in 2009 to be exact).  i have forgotten about this piece but reading it again after so many years makes me smile ΓΌ. this was one of four and the last reflection yet that i have written in Tagalog in all my many years of writing…sooo makes me think, perhaps I could write another one again one of these days…and yes, share more about God's love <3 <3 <3.....



love letters


nakakatuwa at nakakakilig basahin ang mga love letters na naitago ko pa.  ang mga alay na pagibig, matatamis na salita at expression of affection na nakasulat sa mga ‘yon ay nakakapagpabalik ng ibat’ ibang masasayang alaala.

tulad ng mga love letters na ‘yan, nakakatuwa ding pagmasdan ang iba’t ibang bagay sa ating paligid na mukhang ordinaryo pero sa katunayan ay naghahayag ng pagibig ng Diyos sa atin.  mga bagay na nasa tabi lang natin at hindi natin madalas naa-appreciate pero espesyal pala at nagsisilbing love letters ni Lord para sa atin.

ang ating pamilya.  little everyday miracles sa ating buhay.  ang bukang-liwayway.  mga bituin sa langit.  rainbows.  smile from a stranger.  embrace ng isang kaibigan.  sunsets.  safe trip home everyday.  birthdays.  kindness mula sa isang officemate.  kotseng naida-drive.  food on the table.  good health.  mga bulaklak.  bahay na nauuwian.  blue skies.  hope in the midst of despair.  healing.  mga luntiang bundok.  answers to prayers.  tulong sa gitna ng problema…

marami.  ibat’ iba.  

araw-araw at kahit saan nariyan lang ang mga love letters ng Diyos para sa atin.  buksan natin, basahin at damhin.

wala nang hihigit pa sa alay Nyang pagibig at naguumapaw na wagas na mga pangako. 


No comments:

Post a Comment